Home » Post Item » droga nga ba o sila
droga nga ba o sila
July 21, 2009Adik isa ka nga bang salot o isang biktima
Hindi ng droga kundi ng paligid na iyong nakikita
Ang isang taong di pinag ukulan ng unawa ng iba
Ay maaring mapariwara may droga man o wala
Hindi ang pagsupil sa droga ang solusyon
Para ang mga kabataan ay malayo sa temptasyon
Tamang pagmamahal at pagaaruga ay sapat na
Para sa droga silay di kumapit at mgpakasasa
Ilayo mo man sa droga ang kabataan
Hahanap ng ibang mapagbabalingan
Kaguluhan sa pagkatao na nararamdaman
Sa mismong pamilya ang nag ugatan
Kung nalalaman lang nila ang iyong hinaharap
Di ka na sana sa droga nanghagilap
Sana lang matutunan nila ang pagkakamali
Bago ikaw ay di na masagip sa bandang huli
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.







